046 - Kung Mabigat ang Pinapasan

Kung mabigat ang pinapasan,
Si Jesus ang iyong tawagan;
Bibigyang kalakasan
Ang puso mong lupaypay
Ni Jesus nating kaibigan.

REFRAIN

Pinakamabuting tunay
Si Jesus nating kaibigan;
Ikaw'y aalalayan,
Tawag mo'y pakikinggan
Ni Jesus nating kaibigan.

Kaaliwan, tuwa, at lugod
Ang sa puso'y dulot ni Jesus;
Panganib ma'y bumuhos
Ako ay walang takot;
Ang kanlungan ko ay si Jesus.

REFRAIN

Pinakamabuting tunay
Si Jesus nating kaibigan;
Ikaw'y aalalayan,
Tawag mo'y pakikinggan
Ni Jesus nating kaibigan.

Sa dilim man at kapanglawan,
Sa dagat man ng kahirapan,
Tayo'y itatangkakal,
Hindi pababayaan
Ni Jesus nating kaibigan.

REFRAIN

Pinakamabuting tunay
Si Jesus nating kaibigan;
Ikaw'y aalalayan,
Tawag mo'y pakikinggan
Ni Jesus nating kaibigan.

At sa langit na walang hanggan,
Kung tayo ay magkapipisan,
Ating papupurihan
Ang dakilang pangalan
Ni Jesus nating kaibigan.

REFRAIN

Pinakamabuting tunay
Si Jesus nating kaibigan;
Ikaw'y aalalayan,
Tawag mo'y pakikinggan
Ni Jesus nating kaibigan.

0:00 0:00